^

Bansa

RMN senatorial survey: Gatchalian pasok sa magic 12

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakapasok  sa “Magic 12” o winning circle ng mga senatorial bets si Valenzuela City Rep. Sherwin “Win” Gatchalian sa nationwide survey na isinagawa ng Radio Mindanao Network (RMN) nitong nakaraang Enero 5 hanggang 14.

Umabot sa 22.64 percent ang boboto kay Gatchalian sa pagka-senador sakaling ngayon gagawin ang eleksyon. Ang naturang voter preference ay naglagay kay Gatchalian sa No. 12 position at nalampasan pa niya ang re-electionist senator na si Teofisto Guingona Jr. na nasa No. 13 na lang.

Pinakamataas ang voter preference ni Gatchalian sa Northern Luzon kung saan nakapagtala siya ng 33.42 percent at sinundan ito ng National Capital Region kung saan 22.30 percent ang boboto sa senatorial candidate ng Nationalist Peoples Coalition. Nananatili pa ring No. 1 senatorial bet si Sen. Tito Sotto na kasamahan ni Gatchalian sa NPC,  ang pa­ngalawang pinamalaking partido sa bansa na itinatag ng business tycoon na si Eduardo “Danding” Cojuangco noong 1991.

Matatandaang pumasok din si Gatchalian sa Magic 12 sa Pulse Asia survey na isinagawa noong Disyembre 4-11, 2015 kung saan nakapagtala ng 36 percent voter preference si Gatchalian na siyang pinakamataas na survey rating na kanyang nakamit.

May kabuuang bilang na 3,578 randomly selected radio listeners na pawang mga registered voters ang na-interview ng face to face ng mag-survey ang RMN Research Department.

Ang nakuhang datos ng RMN Data ay masusing na-check at naberipika ng independent research consultants. Ang margin of error ay (+) or (-) 2.5%, ayon pa sa RMN Research Department.

Samantala, kabilang din si Gatchalian sa anim na senatorial candidates na iniindorso ng Partylist Coalition Foundation na may sinasabing 15.5 million votes na puwedeng i-deliver sa mga kandidato sa pagka-senador.

Ayon kay CIBAC Rep. Sherwin Tugna, anim na senatorial candidates lang ang kanilang susuportahan at ang mga ito ay mga kasamahan nila sa House of Representatives kung saan miyembro si Gatchalian.

Iniindorso rin ang senatorial candidacy ni Gatchalian ng militanteng Partido Manggagawa at kamakailan ay itinaas din ang kamay ng kongresista ng movie producer na si Mother Lily Monteverde. Kabilang din si Gatchalian sa senatorial ticket na iniindorso ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.

ACIRC

ANG

GATCHALIAN

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MOTHER LILY MONTEVERDE

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONALIST PEOPLES COALITION

NORTHERN LUZON

PARTIDO MANGGAGAWA

RESEARCH DEPARTMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with