MANILA, Philippines – May namumuro na namang kaltas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo ang mga kumpanya ng langis.
Ayon sa isang mapapagkatiwalaang source, posibleng tapyasan ng mga oil companies ngayong Lunes o Martes ng halagang P1.10 ang presyo ng diesel kada litro at P.85 naman sa gasolina.
Ang nakaambang oil price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Matatandaan na nitong nakaraang Enero 19 lamang ay nagtapyas ng presyo ng kanilang produkto ang mga oil companies, na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron, Chevron at Total ng P1.45 sa presyo ng diesel, P1.25 sa kerosene at P1 sa gasolina.