^

Bansa

Dagdag na pondo para sa mga miyembro ng ‘Manila’s Finest’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maglalaan pa ng ka­rag­dagang pondo ang lungsod ng Maynila ngayong taon para sa tinaguriang ‘Manila’s Finest’ bilang ‘katuwang sa pagtitiyak ng kaayusan, seguridad at kapayapaan.’

Ibinalita ni Manila Mayor Joseph Estrada na  daragdagan pa niya ang kanilang contribution sa Manila Police District ngayong bumabangon at humaharap ang Maynila sa isang maliwanag, masagana at mapagpalang bukas matapos ng kadiliman.

Ayon kay Estrada, ang kaniyang administras­yon ay nakapagbuhos na ng hindi bababa sa P136 milyon na pondo para sa allowance at iba pang pinansyal na pangangailangan ng kapulisan ng lungsod.

Bukod dito, ayon kay Estrada, nakapagbigay din sila ng P150 milyon para sa mga kagamitan sa MPD tulad ng mga patrol cars at motorcycles, two-way radios at kagamitan sa mga police sub-stations.   

“Bukod sa 110 electric personal transporters (segway), karagdagang 15 patrol cars na binili mula sa pondo ng Pagcor at 14 pang patrol ang binili ng local na pamahalaan para sa MPD, “ sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-115 anibersaryo ng MPD.

Para mabigyan ng bagong anyo ang tanggapan ng kapulisan, nag­laan ng P20 milyon ang Estrada administration para sa renovation ang MPD headquarters sa UN Avenue.

ACIRC

ANG

AYON

BUKOD

IBINALITA

MAGLALAAN

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PAGCOR

PARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with