CCTV sa PUVs aprub na

Hindi bibigyan ng Certificate of Public Convenience (CPC) o prangkisa ang isang operator kung ang unit nito ay walang CCTV at walang GPS. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng House Committee on Transportation ang panukalang lagyan ng Closed Circuit Television (CCTV) ang lahat ng uri ng pampublikong sasakyan sa bansa.

Ang nasabing panukala ay inihain ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza.

Subalit sa substitute bill na inaprubahan ng komite, itinatadhana na kung hindi CCTV dapat ay Global  Positioning System o GPS sa lahat ng Public Utility Vehicles (PUVs).

Hindi bibigyan ng Certificate of Public Convenience (CPC) o prangkisa ang isang operator kung ang unit nito ay walang CCTV at walang GPS.

Kung maisabatas ito, binibigyan ng anim na buwan ang mga operators para mag-install ng CCTV at GPS sa kanilang PUVs.

Ang CCTV na ilalagay ay dapat na may storage para sa pitong araw ng recording.

Ang LTFRB ang inaatasan na magkaroon ng archive ng footage na kuha ng CCTV ng partikular na PUV na nasangkot sa isang aksidente o insidente.

Layon ng panukala na maging deterrent sa krimen sa mga sasakyan ang CCTV o GPS tracking device tulad ng mga holdap at iba pa.

Show comments