Poe isasama sa balota

MANILA, Philippines - Isasama pa rin ang pangalan ni Senador Grace Poe sa balota kung walang desisyon ang  Korte Suprema sa usapin ng diskuwalipikasyon nito hanggang Pebrero 1.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, kasama pa rin sa balota ang pangalan ni Poe kung hindi maglalabas ng ruling ang SC sa oral arguments hanggang Pebrero dahil ito aniya ang naitakdang panahon ng pag-iimprenta ng mga balota.

Sinimulan noong Martes ang oral arguments  sa disqualification cases ni Poe. Sa susunod na Martes muling itutuloy ang pagdinig.

Tumanggi naman si Bautista na ihayag ang mga pangalan ng mga presidential candidate na kasama sa balota.

Show comments