^

Bansa

40 probisyon sa BBL inalis

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mayroon nang 40 probisyon ng Basic Law for the Bangsa­moro Autonomous Region (BLBAR) ang inamyendahan at inalis ng mga kongresista.

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, kabilang sa mga inamyendahan sa BLBAR ang mismong titulo ng panukala mula sa dating Bangsamoro Basic Law (BBL) para alisin ang anumang indikasyon na magiging substate ang Bangsamoro.

Bukod dito, tuluyan na rin inalis ang lahat ng tungkol sa opt in provisions para maalis na ang pangamba sa creeping territorial expansion mula sa orihinal na mga lugar na sakop ng Bangsamoro.

Inalis na rin ang mga probisyon para sa pagtatag ng Bangsamoro command at Bangsamoro police para maging malinaw na ang mga sundalo at pulis sa bubuuing entity ay nasa ilalim pa rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Tinanggal din ang probisyon para sa pagtatag ng sariling Commission on Audit (COA), Civil Service Commission, Come­lec  at Ombudsman sa Bangsamoro.

Sa 40 mga probisyon na binago o inalis sa BLBAR, 28 dito ang hiniling ni MILF Chief Negotiator Mohager Iqbal na ibalik sa panukala.

Subalit ayon kay Rodriguez, hindi nila pagbibigyan ang nasabing hirit ng MILF.

ACIRC

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AUTONOMOUS REGION

BANGSAMORO

BANGSAMORO BASIC LAW

BASIC LAW

CHIEF NEGOTIATOR MOHAGER IQBAL

CIVIL SERVICE COMMISSION

ORO REP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with