MANILA, Philippines – Nalagay umano sa alanganin ang Supreme Court (SC) dahil sa ads ni Sen. Grace Poe na nagbabanggit sa disqualification case ng kanyang amang si Fernando Poe, Jr.
Ayon kay Atty. Raymond Fortun, mali ang nais na ipahiwatig ng ads kung saan maaaring makasira sa Kataas-taasang Hukuman.
Makikitang pinag-uusapan ng magkakapitbahay ang disqualification ni Poe kung saan binanggit ang “Kandidato pa rin po pala si Grace Poe”, Ganyan na ganyan din yung ginawa nila sa tatay niyang si FPJ (Fernando Poe Jr.), Pero sa huli, pinayagan ng Korte Suprema na tumakbo, parang pelikula lang yan ni FPJ, nagpapabugbog sa simula!”
Ang ‘ganyan-ganyan din ang ginawa nila sa tatay nyang si FPJ’ ay panlilinlang o panlilito sa publiko. Nananatiling nakabinbin sa SC ang isyu.
Sinabi ni Fortun na dapat na alam ng mga abogado ni Poe ang pagpapalabas ng ads dahil posibleng magdulot ito ng masamang epekto sa imahe ng Korte Suprema.
Binigyan-diin naman ni Atty. Romulo Macalintal na magkaiba ang kaso ng senador sa kaso ng kayang amang si FPJ.
Aniya, kilala ang mga magulang ni FPJ at deklaradong natural born Filipino habang ang senador naman ay “foundling” at kuwestionable pa ang citizenship ng mga magulang nito. May isyu din tungkol sa residency ng senador.
Matatandaang 2004 nang ideklara ng SC na Filipino si FPJ bagama’t itinuturing itong illegitimate ng kanyang American mother. Ang citizenship ni FPJ ay mula sa ama nitong Filipino.