Mabalacat City Mayor sinampahan ng DQ sa Comelec
MANILA, Philippines – Sinampahan ng disqualification case sa Commission on Elections (Comelec) ang itinuturing na pinakamahabang nakaupong alkalde sa Pilipinas na si Mabalacat City Mayor Marino Morales.
Ang nagsampa ng petisyon sa Comelec ay ang negosyanteng si Pyra Lucas ng Mabalaceno against crime and corruptions at isa sa mayoral aspirant ng Lungsod.
Unang nagsampa ng certificate of candidacy si Mayor Morales sa ilalim ng Kambilan Party noong Oct. 16, 2015 subalit makalipas ang ilang araw ay nag -withdraw Ito ng kanyang COC at naging substitute candidate nito si Nina Manipon a.k.a Nina Morales. Pero noong Dec. 10, 2015 ay nag-withdraw din si Manipon.Habang ang isang Wilfredo Feliciano na mayoral aspirant din ng Aksyon Demokratiko ay nag-withdraw rin ng kanyang COC noong Dec. 3, 2015 at ang naging substitute candidate nito ay si Mayor Morales.
Nakapaloob pa sa petisyon ni Lucas sa Comelec, maliban sa ginawang “laruan” ni Morales ang paghahain ng COC ay 3 termino na din itong naging alkalde ng Mabalacat,Pampanga noong July 1, 2007 hanggang June 30, 2010; July 1, 2010 hanggang June 30, 2013 at July 1, 2013 hanggang June 30, 2016.
Iginiit ni Lucas sa petition nito sa Comelec. Kahit naging Lungsod ang Mabalacat sa kalagitnaan ng 2nd term ni Morales ay hindi Ito magiging batayan upang muling tumakbo si Mayor Morales sa ikaapat na pagkakataon.
Winika pa ni Lucas, nilabanan niya ang corruption sa lungsod hanggang sa makatanggap siya ng mga banta sa kanyang buhay na nagresulta sa pananambang at pagpatay sa kanyang anak na si Marian sa pag- aakalang siya ang nakasakay sa kanyang Kotse noong Nov. 23, 2014.
Siniguro ni Lucas na hindi siya aatras sa laban kahit gumagamit ng pananakot ang kanyang mga kalaban.
- Latest