^

Bansa

P18-B utang para sa CCT ipapamana ni PNoy sa susunod na administrasyon

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ilang buwan na lamang ang nalalabi sa termino ni Pangulong Aquino subalit magpapamana pa ito ng US$400-M o P18-B na utang mula sa Asian Development Bank (ADB) para suportahan ang kontrobersyal na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) o Conditional Cash Transfer (CCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay matapos ihayag kahapon ni ADB President Takehiko Nakao na inihahanda na nila ang 400-million dollars soft loan o utang na may mababang interes lamang.

Sinabi ni Nakao na ang pautang ay financial support ng ADB para maipagpatuloy ang CCT program ng susunod na administrasyon.

Inihayag ni Nakao na naengganyo ang ADB na mu­ling pautangin ang Pilipinas dahil nasubaybayan nila ang mahusay na implementasyon ng programa ng gubyerno sa mga mahihirap na pamilya.

Kaugnay nito, inihayag ni DSWD Sec. Dinky Soliman na ang panibagong utang sa ADB ay babayaran ng pamahalaan sa loob ng 25 taon.

Nauna ng umutang ang administrasyong Aquino ng 400-M dollars sa ADB habang 450-M dollars naman ang ipinautang ng World Bank.

Iginiit ni Soliman na ang nasabing mga utang ay naggastos sa mahigit 900-libong pamilyang benepisyaryo ng nasabing programa.

ACIRC

ANG

ASIAN DEVELOPMENT BANK

CONDITIONAL CASH TRANSFER

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DINKY SOLIMAN

NAKAO

PANGULONG AQUINO

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

PRESIDENT TAKEHIKO NAKAO

WORLD BANK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with