MANILA, Philippines – Iginiit ng Estados Unidos ngayong Martes na parehong makabubuti sa kanila ng Pilipinas ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na lalong magpapatibay sa matagal nang relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ito ng Amerika kasunod ng paglabas ng desisyon ng Korte Suprema na naaayon sa Saligang Batas ang EDCA.
"EDCA is a mutually beneficial agreement that will enhance our ability to provide rapid humanitarian assistance and help build capacity for the Armed Forces of the Philippines," pahayag ng US Embassy sa Maynila.
"We look forward to working closely with our Philippine partners on the implementation of this agreement," dagdag nila.
Ikinatuwa rin ng Department of Foreign (DFA) Affairs ang hatol ng mataas na hukuman na magbibigay daan sa pagpapatupad ng lahat ng nasa kasunduan.
"With the Supreme Court's decision, the Philippine and US Governments can now proceed in finalizing the arrangements for its full implementation," pahayag ng DFA.
Nilagdaan ang EDCA ilang oras bago ang dalawang araw na state visit ni President Barack Obama sa bansa.