MANILA, Philippines – Nakiisa sa pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno si Safety advocate Francis Tolentino na naniniwala rin sa mga milagrong naidudulot ng pananampalataya. Sinabi ni Tolentino na ang pakikiisa sa prusisyon ay bahagi ng debosyon sa Nazareno na nagbibigay pagasa sa marami. Sa pagtaya, nasa 10 milyon katao ang nakiisa sa aktibidad sa kapistahan mula sa vigil sa Quirino Grandstand hanggang maibalik ang poon sa Minor Basilica sa Quiapo, Manila. Hinikayat ni Tolentino ang mga kapwa nito deboto na sumunod sa mga safety reminders ng mga organizers at Department of Health upang maiwasan ang aksidente. Ayon naman kay sociology professor Josephine Aguilar-Placido, ang mga aktibidad ng mga deboto na bagama’t sa ilan ay tinatawag na fanatacism ay pagpapahayag ng pananampalataya.