Bongbong dapat mag-sorry sa kasalanan ng ama - Leni
MANILA, Philippines – Naniniwala si Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo na dapat humingi ng tawad si Sen. Bongbong Marcos sa kasalanan ng kanyang ama noong panahon ng diktadurya.
“Ako oo, kasi sa akin, ‘yung pagsabi mo lang na hindi ikaw ‘yung iyong nakaraan, ano ‘yun, parang dine-defy niya ‘yun lahat ng natutunan natin, na kung sino tayo ngayon, produkto ‘yun ng ating nakaraan,” wika ni Robredo sa isang panayam nang tanungin kung dapat bang humingi ng tawad ang batang Marcos para sa kamalian ng ama.
Ayon kay Robredo, ang tanging paraan upang makausad ang bansa ay tanggapin ang pagkakamali ng nakaraan at humingi ng tawad ukol dito.
“Iyong sa akin, hindi tayo makaka-move forward kung wala tayong acceptance ng mga mali in the past,” giit ni Robredo.
Tabla sina Robredo at Marcos sa ikalawang puwesto sa bagong Social Weather Stations (SWS) survey na may parehong 19 percent rating.
- Latest