Final count ng DOH: 929 sugatan sa paputok

Taliwas ito sa unang pagtaya ng Department of Health (DOH) na bumaba ng mahigit 50 porsyento ang bilang ng naputukan ngayong taon. AP file photo/Bullit Marquez

MANILA, Philippines – Umakyat pa sa 929 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa nakaraang salubong sa 2016.

Taliwas ito sa unang pagtaya ng Department of Health (DOH) na bumaba ng mahigit 50 porsyento ang bilang ng naputukan ngayong taon.

Ssinabi ni DOH Secretary Janet Garin, mula December 21, 2015 hanggang sa January 5, 2016 umabot sa 929 ang nasugatan dahil sa papu­tok at isa rito ang namatay.

Kasama sa bilang ang pitong tinamaan ng ligaw na bala.

Mas mataas ito ng walong porsyento kumpara sa mahigit 800 lamang na biktima noong nakaraang taon.

Nagsimula ang pagbibilang noong Disyembre 21, 2015.

Show comments