MANILA, Philippines – Umakyat na sa 384 katao na ang naputukan sa pagsalubong ng taong 2016, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Biyernes.
Sinabi ng DOH na mas mababa ng 53 percent ang bilang ngayon kumpara nang salubungin ang 2015 at mas mababa ito ng 57 percent sa 2010 hanggang 2014 na bilang.
Sa naturang bilang ay 380 ang nasugatan dahil sa mga paputok, habang apat naman ang tinamaan ng ligaw na bala.
Nangunguna pa rin ang paputok na Piccolo sa may pinakamaraming biktima na 219, habang ang iba ay dahil sa five star, kwitis at lusis.
Karamihan sa mga nasugatan ay pawang mga taga National Capital Region na umabot sa 243 o 63 percent ng kabuuang bilang.
Umaasa pa rin ang DOH na tuluyang ipagbabawal sa bansa ang pagpapaputok.