Batanes niyanig ng 4.6 lindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bahagi ng Batanes kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phi­volcs), naramdaman ang sentro ng lindol sa may hilagang silangan ng Itbayat, Batanes ganap na alas 8:53 ng umaga.

May lalim ang lindol na 120 kilometro at tectonic ang origin.

Wala namang ina­asahang mga aftershocks matapos ang pagyanig, gayundin ang napaulat na nasaktan o napinsalang ari-arian dito. 

Show comments