^

Bansa

Sulu encounter: 11 patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sampung miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at isang Army officer ang napaslang habang 21 pa ang nasuga­tan kabilang ang anim sa tropa ng pamahalaan sa panibagong engkuwentro na sumiklab sa Patikul, Sulu nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang nasawing opisyal na si 2nd Lt. Ro­nald Detalla habang ang mga sugatang isinugod sa pagamutan ay sina Captain Edmar Samonte, Pfc. Ernie De Guzman, Staff Sgt. Wilson Fonta­nil, Pfc. Joemar Andrez, Pfc. Dennis Desambrana, Pfc. Alberto Dinio at Sgt. Arturo Andama. 

Ayon kay AFP-Western Mindanao Command spokesman Major Filemon Tan, alas-4:15 ng hapon ng magsimula ang bakbakan sa pagitan ng mga elemento ng 1st Scout Ranger Battalion (SRB) at ng mga bandido sa nasabing lugar.

Sinabi ni Tan na kasalukuyang ginagalugad ng tropa ng militar ang kagubatan ng Brgy. Buhanginan sa bayang ito nang makasagupa ang tinatayang nasa 300 armadong bandido sa ilalim ng pamumuno ni ASG Sub-Commander Hajan Sawadjaan.

Target ng operasyon na sagipin ang 2 Canadian, isang Norwegian at isang Pinay na bihag ng mga bandido. Ang grupo umano ang nasa likod din ng pamumugot sa isa pang hostage na Malaysian.

Sinabi ni Tan na si­nawimpalad na ma­patay sa bakbakan si Detalla at anim naman ang sugatan sa tropang gobyerno. Ang mga nasugatang sundalo ay unang dinala sa Kuta Teodulfo Bautista Hospital sa Jolo, Sulu bago ang mga ito ini-airlift na kahapon ng umaga patungo sa Camp Navarro Hospital sa Zamboanga City.

Samantala 10 naman ang nasawi sa mga bandido at nagtamo rin ang mga ito ng 15 malubhang nasugatan, base sa impormasyon ng kanilang intelligence assets.

Inihayag ni Tan na sa kasalukuyan, patuloy ang clearing operation ng tropa ng pamahalaan sa encounter site at puspusan rin ang pagtugis laban sa grupo ng mga bandido na target nilang lipulin upang wakasan ang terorismo.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

ALBERTO DINIO

ANG

ARTURO ANDAMA

CAMP NAVARRO HOSPITAL

CAPTAIN EDMAR SAMONTE

DENNIS DESAMBRANA

DETALLA

MGA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with