MANILA, Philippines - Umakyat na sa 11 katao ang nasawi sa bakbakan ng militar at ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa Sulu kahapon.
Isa mga nasawi ay mula sa hanay ng gobyerno, habang pawang mga miyembro ng Abu Sayyaf ang iba pa.
Anim din na sundalo ang sugatan sa palitan ng putok, habang 15 sa bandidong grupo ang malala ang tinamong sugat, ayon kay Sa tagapagsalita ng West Mindanao Command Major Filemon Tan.
Nagsasagawa ng "focused military operations" ang mga sundalo nang paputukan sila ng Abu Sayyaf.
Pinaniniwalaang hawak ng nakalaban ng militar ang mga dinukot nilang hostage sa Samal Island nitong Setyembre.
Nasa 300 miyembro ng Abu Sayyaf sa ilalim ng pamumuno ni Hajan Sawadjaan at mga miyembro ng 1st Scout Ranger Battalion ang nagbakbakan sa Barangay Buhanginan, Patikul.