PNoy mangunguna sa Rizal Day ngayon

Nakaupo ang rebulto ni Dr. Jose Rizal sa isang istasyon sa San Fernando, Pampanga kung saan niya hinintay ang mga bagong miyembro ng La Liga Filipina. Matapos ang 50 taon, noong 1942, ang lugar na ito ang naging final stop ng 102-kilometrong Death March ng mga Filipino at American prisoners of war mula Bataan. Ginugunita ngayon ang ika-119 taong kamatayan ni Dr. Rizal. Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines – Pangungunahan ni Pangulong Noynoy Aquino sa huling pagkakataon ang paggunita ngayon sa ika-119 anibersaryo ng pagkamatay at martyrdom ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, magkakaroon ng flag-raising ceremony ngayong umaga sa monumento ni Rizal sa Luneta Park.

Susundan ito ng pag-aalay ng bulaklak ng Pangulo.

Huling pagkakataon na ito ng Pangulo para pa­ngunahan ang paggunita sa death anniversary ni Rizal.

Ayon kay Lacierda, simula nang maupong pangulo hindi nakaligtaan ni Aquino na pangunahan ang sere­monya tuwing Rizal Day.

Ngayong taon aniya ay ipagpapatuloy ng Pangulong Aquino ang tradisyon nito na kilalanin ang mga nagawa ni Dr. Jose Rizal na nagsilbing inspirasyon sa mga Filipino para magsikap at mahalin ang bansa.

 

Show comments