^

Bansa

Ospital, health center naka red alert

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa red alert status na ang mga ospital at health centers sa lungsod ng Maynila kaugnay ng paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa panayam kay Manila Mayor Joseph Estrada, sinabi nito na simula ngayon ay naka handa na ang pamunuan ng mga ospital at health centers dahil ngayon pa lamang ay marami na ang nagpapaputok sa  kabila ng mahigpit nilang ipinagbabawal.

Aniya, pinulong na niya ang mga hospital director gayundin ang Manila Police District upang i-monitor ang mga lugar na madalas pinagbabagsakan ng mga paputok gayundin ang mga nagbebenta nito.

Binigyan diin ni Estrada na target niyang walang sugatan o biktima ng pagpapaputok kaya’t mahigpit din ang kanyang kautusan sa mga pulis na i-monitor ang lugar o magsagawa ng checkpoints upang masabat ang mga nagbebenta nito.

Nabatid kay Estrada na wala silang permit na ibinibigay sa mga nais na magtinda ng mga paputok dahil mas kailangan na bigyan ng priyoridad ang kaligtasan ng publiko.

Dahil dito, umapela si Estrada sa mga nagtitinda na makipagtulu­ngan sa mga awtoridad upang matiyak na walang suga­tan o biktima ng iba’t ibang paputok.

ACIRC

ANG

ANIYA

BAGONG TAON

BINIGYAN

DAHIL

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MGA

NABATID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with