Chiz kay Mar: Hindi sapat ang 20% boto para manalo

MANILA, Philippines – Ipinaalala ni Sen. Chiz Escudero kay Li­beral Party presidential candidate Mar Roxas na hindi sapat ang dalawampung porsi­yentong (20%) boto para manalo sa eleksiyon sa susunod na taon.

Ginawa ni Escudero ang reaksiyon sa gitna ng ginagawang pagmamalaki ng administrasyon na may 20% solidong boto ang kanilang kandidato.

“Oo, tila may mga solid siyang mga dalawampung porsiyento. Pero, sa pananaw ko ay hindi sapat ang dalawampung porsi­yento para manalo,” ani Escudero

Sinabi rin ni Escudero, running mate ni Sen. Grace Poe na maaari pang mabago ang sinasabing 20% solidong boto ng mga supporters ni Roxas.

Samantala, patuloy na umaasa si Escudero na papabor kay Poe ang Supreme Court kaugnay sa kinakaharap nitong disqualification case.

Mas makakabawi pa umano si Poe sa mga survey kung magpapalabas ng pabora­bleng desisyon ang SC.

Show comments