P212-M superlotto jackpot kinubra na

MANILA, Philippines – Kinuha na ng 48-an­yos na ama mula sa Ma­rinduque ang kaniyang panalo sa 6/49 superlotto na binola noong Disyembre 13 na nagkakahalaga ng P212,502,832.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Ma­nager Ferdinand Rojas II, nakuha ng maswerteng mananaya ang winning lotto combination na 5-8-10-13-15-33.

Dagdag pa nito na ang nasabing numero ay bigay sa kaniya ng Holy Spirit ng ito ay napanaginipan noon pang 1996.

Plano ng masuwer­teng nanalo na i-donate ang bahagi sa simbahan at ang ilan ay ilagay sa negosyo.

Show comments