Padala, pasalubong ng OFWs ilibre sa customs duties - Marcos

MANILA, Philippines – Dapat ilibre na sa customs duties ang mga padala o pasalubong ng mga overseas Filipino workers.

Sa Section 2 ng Senate Bill No. 3033, o ang “Duty-Free Padala/Pasalubong Act of 2015” na inihain ni Sen. Bongbong Marcos, nakasaad ang: “Goods, articles, personal items and effects herein referred to as “padala” and/or “pasalubong” under this Act, which are sent by Overseas Filipino Workers to his or her fa­mily in the Philippines, shall be exempt from the payment of customs duties.”

Ang padala o pasalubong ay mga bagay na hindi ipinagbabawal ng batas na ipinapadala sa pamamagitan ng courier, postal service o mismong bagahe ng mga OFW para sa personal na gamit ng kanyang pagbibigyan dito sa Pilipinas at hindi para ikalakal o ibenta.

Ayon kay Marcos, nagsasakripisyo ang mga OFWs at ang iba ay nalalagay pa sa panganib kaya dapat lamang silang pagkalooban ng special tax at customs treatment.

Sinabi nito na ang bawat ‘balikbayan box’ ng OFW ay katumbas na rin ng isang ‘love letter’ sa kanyang asawa at buong pamilya at ang mga bagay na nasa loob nito ay may kasamang pagmamahal.

Sabi pa ni Marcos, ang halaga ng balikba­yan box ay hindi lamang ang nilalaman kundi ang sakripisyo ng OFW at ang damdamin na kaakibat nito.

Show comments