Signal no. 1 sa 23 lugar kay ‘Onyok’

MANILA, Philippines – Bahagyang bumilis ang paggalaw ng bagyong “Onyok” habang papalapit sa Surigao del Sur at Davao Oriental, ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.

Huling namataan ng PAGASA si Onyok sa 265 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur o sa 270 kilometro silangan ng Mati City, Davao Oriental kaninang alas-10 ng umaga.

Taglay pa rin ng pang-15 bagyo ngayong taon ang lakas na 55 kilometers per hour (kph) at bilis na 20 kph habang gumagalaw pa-kanluran.

Inaasahang  tatama sa kalupaan si Onyok mamayang gabi at tinatayang magiging low pressure area na lamang ito pagkatapos.

Nakataas naman ang public storm warning signal sa mga sumusunod na lugar:

  • Surigao del Sur kabilang ang Siargao Island
  • Surigao del Norte
  • Dinagat Province
  • Misamis Oriental
  • Camiguin
  • Agusan del Norte
  • Agusan del Sur
  • Davao Oriental
  • Davao del Norte
  • Compostela Valley
  • Bukidnon
  • Lanao del Norte
  • Lanao del Sur
  • Misamis Occidental
  • Davao del Sur
  • Hilagang bahagi ng Davao Occidental
  • Sultan Kudarat
  • Maguindanao
  • North Cotabato
  • Hilagang bahagi ng South Cotabato
  • Zamboanga del Norte
  • Zamboanga del Sur
  • Zamboanga Sibugay

Sa Linggo pa inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo.

 

Show comments