MANILA, Philippines – Opisyal nang kandidato bilang presidential candidate si Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos tanggapin ng Commission on Elections (Comelec) ang kaniyang certificate of candidacy (COC) ngayong Huwebes.
Tinanggap ng Comelec ang COC ni Duterte bilang substitute ng naunang presidential candidate ng PDP-Laban Martin “Bobot” Diño.
Nauna nang ibinasura ng 2nd Division ng poll body ang petisyon na ideklarang nuisance candidate si Diño.
Ipinaliwanag ng Comelec na naaayon sa batas ang pagkakaroon ng substitute candidate kaya naman tinanggap nila ang COC ni Duterte.
Duterte's substitution. Accepted by the Comelec 6-1 Vote. Without prejudice to the pending case for his disqualification. #pressconOngoing
— James Jimenez (@jabjimenez) December 17, 2015
Duterte can now be considered included in the list of candidates
— James Jimenez (@jabjimenez) December 17, 2015
Unang inihain ni Duterte ang kaniyang COC noong Nobyembre 27, kung saan ang kaniyang executive assistant na si Bong Go ang naghain nito sa Comelec.
Nitong Disyembre 8 ay personal na nagtungo ang Davao City Mayor sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Manila.