^

Bansa

Walang shortage sa bagong bank notes - BSP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang isyu na may shortage o nagkakaubusan na ng bagong perang papel.

Sinabi ni Ms. Fe dela Cruz, director for Corporate affairs ng BSP, higit pa sa sapat ang supply ng pera dahil tuluy-tuloy ang pag-imprenta ng new banknotes series o mga bagong disenyo ng perang papel.

Imposible raw magkaubusan kahit panahon ngayon na marami ang nagpapalit ng malulutong na perang pang-aginaldo gayundin ng mga pamalit sa lumang pera dahil sa demonitization.

May buffer stock pa rin ng mga bagong pera kaya’t hindi umano dapat na sabihin ng  bangko sa mga nagpapapalit na naubusan na ng bagong pera.

Kailangan lamang na magtungo sa BSP ang  sinumang bangko upang magpapalit.

Kahit daw barya na pinapaagaw sa bagong taon ay nagpagawa ang BSP ng nasa 23 bilyong coins.

Hanggang Disyembre 31 na lang pwedeng gamitin ang old banknotes su­balit sa 2016 ay pwede pa naman itong papalitan sa bangko.

ACIRC

ANG

BANGKO SENTRAL

CRUZ

HANGGANG DISYEMBRE

IMPOSIBLE

KAHIT

KAILANGAN

MS. FE

PILIPINAS

PINABULAANAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with