^

Bansa

CPP-NPA nagdeklara ng 12 araw na ceasefire

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagdeklara na kaha­pon ng 12 araw na uni­la­­teral ceasefire ang Com­munist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) laban sa tropa ng gobyerno bilang pagbibigay diwa sa kapaskuhan.

Inatasan ng CPP Central Committee ang lahat ng units ng NPA at mga militias nito sa bansa na obserbahan ang holiday ceasefire mula Disyembre 23 , 2015 hanggang Enero 3, 2016.

Ang hakbang ay upang mabigyang daan ang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon na tradis­yunal na ipinagdiriwang ng milyun-milyong Pinoy. Ang deklarasyon ng komunistang grupo ay pinagtibay ni Luis Jalan­doni, Chairman ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace negotiating panel na nakabase sa Utrecht, the Netherlands.

Bilang reaksyon, sinabi naman ni AFP Public Affairs Spokesman Col. Noel Detoyato na umaasa ang tropa ng militar na sinsero at hindi palabas lamang ang pagdedeklara ng holiday truce ng CPP-NPA.

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

BILANG

CENTRAL COMMITTEE

LUIS JALAN

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES

NOEL DETOYATO

PARTY OF THE PHILIPPINES-NEW PEOPLE

PUBLIC AFFAIRS SPOKESMAN COL

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with