MANILA, Philippines – Dawalampu’t siyam na motions for reconsideration ang kailangang asikasuhin ng Commission on Elections (Comelec) bago ilabas sa publiko ang opisyal na listahan ng mga kandidato para sa 2016 polls.
Sinabi ng Comelec ngayong Martes na sa Disyembre 23 na nila ilalabas ang kumpletong listahan at hindi ngayon tulad ng naunang naihayag.
Ilan sa mga inaasikaso pa ng poll body ang substitution ni Duterte upang maging presidential candidate ng PDP-Laban at ang disqualification case ni Sen. Grace Poe.
Sinabi ni Comelec Chair Andy Bautista na kailangan pang hatulan ng en banc ang kaso ni Duterte at Poe.
Sa kabila nito ay sinabi rin ni Bautista na may sapat silang panahon bago ang pagpapaimprenta ng mga balota sa Enero 26.
Dalawang division ng Comelec ang nagkansela ng certificate of candidacy ni Poe base sa apat na magkakahiwalay na petisyon.