Bilis at lakas napanatili: Bagyong Nona nag-landfall na
MANILA, Philippines – Patuloy na nagbabanta ang bagyong Nona sa mga lugar sa Luzon at Visayas habang kumikilos pakanlurang bahagi ng Burias island.
Alas-5 ng hapon kahapon, si Nona ay nasa Bulusan, Sorsogon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 150 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 185 kilometro bawat oras. Kumikilos ito pakanlurang bahagi ng bansa sa bilis na 17 kilometro bawat oras.
Ngayong Martes ng hapon si Nona ay tinatayang nasa Mamburao, Occidental Mindoro at sa Miyerkules ng hapon ay nasa layong 245 kilometro ng kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro at sa Huwebes ng hapon ay nasa layong 360 kilometro ng kanluran ng Coron, Palawan at sa Biyernes ng hapon ay nasa layong 500 kilometro ng kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan at palabas na ng ating bansa.
Bunga nito, nakataas ang babala ng bagyo bilang 3 sa Sorsogon, Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Southern Quezon, Marinduque at Romblon sa Luzon at Northern Samar sa Visayas
Signal no 2 sa Batangas, Rizal, Laguna, Cavite, nalalabing bahagi ng Quezon kasama na ang Polillo Island, Oriental Mindoro at Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island sa Luzon gayundin sa Eastern Samar, Samar at Biliran sa Visayas
Signal no 1 sa Metro Manila, Bulacan, Bataan, Pampanga, Southern Zambales, Southern Aurora at Coron sa Luzon at sa Leyte, Northern Cebu kasama na ang Bantayan at Camotes Islands, Aklan, Capiz, Northern Antique, Northern Negros Occidental at Northern Iloilo sa Visayas.
Patuloy na pinapayuhan ng PagAsa ang mga residenteng nakatira sa naturang mga lugar na ibayong ingat ang gawin at ugaliing mapagmasid sa paligid para makaiwas sa anumang aberya.
- Latest