^

Bansa

COC ni Poe kinansela na ng Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinansela na rin ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang certificate of candidacy (COC) ni Sen. Grace Poe para sa pagtakbo nito sa pagkapangulo sa May 2016 elections.

Ang botong 2-1 ng Comelec ay bunsod ng petitions na inihain nina Sen. Francisco Tatad, Prof. Antonio Contreras at dating US Law Dean Amado Valdez.

Bumoto para  kanselahin ang  COC ni Poe ay sina Commissioners Rowena Guanzon at Luie Tito Guia habang lone dissenter naman si Commissioner Christian Robert Lim.

Ayon  naman  sa kampo ni Poe, nalulungkot sila sa desisyon ng Comelec sa kasabay ng pagsasabing binalewala ng poll body ang kanilang ebidensiya upang mapaglingkuran ang  bansa.

Iaapela naman ng kampo ni Poe ang desisyon sa Comelec en banc at Supreme Court. Paliwanag ni  Atty. George Garcia, hindi pa naman final at exe­cutory ang desisyon at maaari pang  maghain ng motion for reconsi­deration.  

“Wala pa rin pong pagbabago, ganun pa rin po ang effect nito ... kami po ay kandidato pa rin... ang aming pangalan ay nasa listahan pa rin, hindi po magbabago ang lahat,” ani Garcia. “Kami po ay magfa-file agad ng motion for reconsideration limang araw paglabas ng desisyon na ito.”

Ito na ang  ikaa­lawang disqualification laban kay Poe, Una nang inilabas ng Comelec 2nd division ang disqualification bunsod naman ng petisyon ni Atty. Estrella Elamparo na nagsasabing hindi natural-born Filipino si Poe.

Sinabi naman ni Manila Mayor Joseph Estrada na babanta­yan niya ang deve­lopment ng kaso ng kanyang inaanak at hindi na nagpasya pang magsubstitute noong Dis­yembre 10 na hu­ling araw ng substitution.

ACIRC

ANG

ANTONIO CONTRERAS

COMELEC

COMMISSIONER CHRISTIAN ROBERT LIM

COMMISSIONERS ROWENA GUANZON

ESTRELLA ELAMPARO

FIRST DIVISION

FRANCISCO TATAD

GEORGE GARCIA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with