6 tauhan ng NAIA kinasuhan ng NBI sa ‘tanim bala’

MANILA, Philippines – Sinampahan ng kasong kriminal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na tauhan ng Ninoy Aquino International Airport kaugnay ng “tanim bala.”

Dalawa sa mga kakasuhan ay tauhan ng Office for Transportation Security (OTS), habang ang iba ay mula ng Philippine National Police Aviation Security Group.

Kinumpirma ng Department of Justice na may mga pagkakataon na nangingikil ang tauhan ng OTS.

Sinabi ni DOJ Spokesperson Emmanuel Caparas na inimbestigahan ng NBI ang ilang mga dokyumento at kinausap din ang mga nabiktima ng tanim bala.

Samantala, hindi naman matiyak ng NBI kung mayroon ngang sindikato sa likod ng umano’y modus operandi.

Ilang pasahero ang tinataniman ng bala at huhulihin ngunit aalukin na aregluhin na lamang upang hindi makulong.

 

 

Show comments