MANILA, Philippines – Inianunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang plano nilang pagtataas ng singil ng kuryente ngayong Disyembre.
Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, magdaragdag sila ng P0.055 kada kilowatt-hour na singil sa kuryente.
Gayunman, mas mababa pa rin aniya ito kumpara sa dagdag noong December 2014
Paliwanag ni Zaldarriaga, ang dagdag singil ay bunga ng pagtaas ng generation charge ng P0.046. Ang generation charge ay ang binabayaran ng Meralco sa mga supplier ng elektrisidad.
Bukod sa generation charge, tumaas rin naman ang transmission charge ng P0.007, ang taxes ng P0.001 at ang iba pang bayarin ng P0.001.