P3-T 2016 budget, aprub!
MANILA, Philippines – Inaprubahan ng bicameral conference committee ngayong Miyerkules ang P3.002-trilyon national budget para sa 2016.
Sinabi ni House Majority Floor Leader at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II na pagtitibayin ng mga mambabatas ng Kamara ang bicameral committee report sa susunod na linggo.
Samantala, hindi naman natuloy ang P8 bilyon budget cut sa conditional cash transfer (CCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nauna nang napagdesisyunan ng Senado na bawasan ng P8 bilyon ang pondo ng DSWD at ilagak ito sa Philippine Air Force.
Inalmahan ito ni Secretary Corazon "Dinky" Soliman dahil aabot sa 4.4 milyong pamilya ang hindi makatatanggap ng ayuda sa kalusugan at edukasyon, habang 10.2 milyong kabataan ang hindi makakapasok sa mga paaralan kung ipatutupad ang budget cut.
- Latest