^

Bansa

Electric coops bet si Petilla sa Senado

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinutulak ng mga electric cooperatives sa bansa ang kandidatura ni Liberal Party senatorial bet Carlos Jericho Petilla upang magkaroon ng malakas na tinig sa Senado ang milyun-milyong consumers ng kuryente.

Ayon kay Sergio Dagooc, pangulo ng National Association of General Managers of Electric Cooperatives, tanging si Petilla umano ang may tunay at seryosong krusadang amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang maging mas makatuwiran ang presyo ng kuryente sa bansa.

Dating kalihim ng Department of Energy, si Petilla at tumatakbo bilang senador sa ilalim ng Team Daang Matuwid. Kabilang siya sa mga personal na ineendorso ni Pangulong Aquino at LP standard bearer Mar Roxas.

Kabilang sa inaasahan ng mga kooperatiba na isusulong ni Petilla kung mahalal sa Senado ay ang mga sumusunod: Pagbabawal ng cross-ownership sa power generation at distribution sectors; at pagtanggal ng probisyong nagbabawal sa pamahalaan na mag operate ng sariling planta ng kuryente.

Ayon kay Dagooc, mahigit 50 milyung Pilipino -- lalo na sa kanayunan -- ang pangunahing customers ng electric cooperatives. Sila ay matatagpuan sa malalayong lugar na ‘di ina­abot ng malalaking power distribution companies.

Ayaw ng mga miyembro at opisyal ng koo­peratiba sa cross ownership provision ng Epira dahil ito umano’y inaabuso ng ilan kaya nananatiling mahal ang kuryente sa bansa.

ACIRC

ANG

AYON

CARLOS JERICHO PETILLA

DEPARTMENT OF ENERGY

ELECTRIC POWER INDUSTRY REFORM ACT

KABILANG

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

NATIONAL ASSOCIATION OF GENERAL MANAGERS OF ELECTRIC COOPERATIVES

PETILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with