^

Bansa

Automotive recall ipatupad din sa Pinas – Villar

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong ni Las Pinas Rep. Mark Villar ang pagtatatag ng Transport Safety Agency para sa epektibong automotive recall system para sa mga sasakyan na mayroong depektibo.

Ayon kay Villar, dapat ipatupad na rin sa Pilipinas ang recall system tulad sa ibang bansa kung saan inoobliga ang mga kumpanya na imbestigahan at magsumite ng detalye sa ahensiya tungkol sa natuklasang depekto ng kanilang mga sasakyan.

Nilinaw pa ng kongresista na hindi pa man umiingay ang mga insidente sa Montero, nakapagtala na ang PNP Highway Patrol Group ng hindi bababa sa 500 namatay at mahigit 5,000 nasu­gatan sa aksidente sa sasakyan sa unang 6 na buwan ng 2015.

Idinagdag pa nito na ang kawalan ng ngipin ng kasalukuyang mga batas para tugunan ang ganitong problema kaya napapanahon nang magkaroon ng national motor vehicle safety administration.

Iginiit pa nito na kung sa Japan ay pinagmumulta ang mga automotive companies ng hanggang 200 million yen dahil sa pagtatago ng safety defects at kabiguan i-recall ang mga depektibong sasakyan kaya dapat ganito ring standards ang pairalin sa mga Pinoy consumers.

Dahil dito kaya maghahain ng panukalang batas si Villar na nagtatag ng National Motor Vehicle Safety Administration at sakaling tuluyan itong maisabatas ay gagawa ang ahensiya ng safety standards para sa motor vehicles at motor vehicle equipment na siyang mag aaaral at mag-iimbestiga sa mga aksidente sa lansangan gayundin sa safety related defects.

ACIRC

ANG

AYON

DAHIL

HIGHWAY PATROL GROUP

IDINAGDAG

LAS PINAS REP

MARK VILLAR

MGA

NATIONAL MOTOR VEHICLE SAFETY ADMINISTRATION

TRANSPORT SAFETY AGENCY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with