MANILA, Philippines - Malaki ang tiwala ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na malalampasan ni Sen. Grace Poe ang disqualifications cases na kinakaharap nito sa Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian, isa sa senatoriable ng Team Galing at Puso, na nananatili ang suporta ng NPC sa kandidatura ni Poe bilang presidente.
“We in the NPC continue to support Sen. Grace Poe in her quest for the presidency. We believe that the documentary evidence which his battery of lawyers have in their possession will bolster her qualifications as presidential candidate,” wika pa ni Gatchalian.
Naniniwala rin si Gatchalian na sa huli aý bibigyan ng bigat ng Comelec ang mga dokumentong iprinisinta ng mga abogado ng senadora at mababaligtad ang naunang desisyon ng 2nd division na nagdiskwalipika dito.
Ang NPC ang pangalawang pinakamalaking partido sa pulika sa Pilipinas base sa dami ng nakaupong kongresista at mga lokal na opisyal nito.
Sa ilalim ng saligang batas, kailangang may 10 taong residency ang mga kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo.
Iginigiit ng kampo ni Poe na pasok dito ang senadora dahil base sa reaffirmation ng renouncement ng kanyang US citizenship ay noon pang 2005 ito naninirahan sa Pilipinas.