Motion for reconsideration sa kaso ni Poe ibinasura ng SET
MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Senate Electoral Tribunal (SET) ngayong Huwebes ang nauna na nilang desisyon sa disqualification case laban kay Sen. Grace Poe matapos ibasura ang motion for reconsideration ni Rizalito David.
Sa botong 5-4 ay idineklara ng SET na natural-born Filipino ang senadora.
Nais ipadiskwalipika ni David si Poe bilang senadora dahil isa siya umanong naturalized citizen.
Ang mga kapwa senador ni Poe na sina Sens. Loren Legarda, Pia Cayetano, Bam Aquino, Cynthia Villar, and Vicente Sotto III ang bumoto upang ibasura ang petisyon ni David.
Sina Justice Antonio Carpio, Justice Teresita Leonardo-De Castro, Justice Arturo Brion at Sen. Nancy Binay naman ang bumoto kontra sa senadora.
Umaasa naman ang kampo ni Poe na maibabasura rin ang disqualification case na kinakaharap ng senadora sa Commission on Elections para sa kaniyang pagtakbo sa 2016.
"The denial of the MR of Mr. David is a clear indication that Sen. Poe is a natural born Filipino," pahayag ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, tagapagsalita ni Poe.
Nitong kamakalawa lamang ay diniskwalipika ng 2nd Division ng Comelec si Poe dahil sa kakulangan sa 10-year residency.
- Latest