MANILA, Philippines – Tahasang sinabihan ni Davao City Mayor at presidential hopeful Rodrigo “Rody” Duterte ang mga botante na huwag siyang iboto kung hindi iboboto ang kanyang running mate na si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa pambansang eleksyon sa 2016.
“He has always been with me. He is good. He is intelligent. If you will not vote for Cayetano, don’t vote for me as well,” sabi ni Duterte.
Ayon pa kay Duterte kailangan niya ng mahusay na bise presidente para ipatupad ang mga programa niya sa gobyerno.
“I need somebody who will commit to me 100 percent in my campaign to stamp out rampant corruption and criminality and in pushing for a federal system of government that would bring lasting peace in Mindanao. I believe Senator Cayetano can help me do this,” ani Duterte.
Nitong Martes, ipinagtanggol ni Cayetano si Duterte mula sa pag-atake sa alkalde ukol sa mga pahayag niya tungkol kay Pope Francis.
Ipinaliwanag ni Cayetano na galit ng alkalde ay hindi kay Pope Francis kundi sa kawalan ng kakayahan ng gobyerno ng aksyon para lutasin ang lumalalang problem ng trapik, na siyang ikinagagalit ng mga tao.
Sinabi ni Cayetano na ang kinamulatan at karanasan ni Mayor Duterte ang dahilan sa pagiging “tough, rough, and uncensored” niyang manalita.
Sa pinakahuling Pulse Asia survey ng mga botante na nakabase sa National Capital Region (NCR), nakakuha si Cayetano ng 20% mula sa respondents, mula sa 10% noong survey noong Setyembre, na naglagay sa kanya sa ikalawang pwesto. Statistically tied siya kay Bongbong Marcos na may 24%.