MANILA, Philippines – Dapat matukoy kung sino ang tunay na pumatay sa bayaning si Andres Bonifacio.
Ayon kay Buhay partylist Lito Atienza, balak niyang maghain ng isang panukalang batas para ipanawagan ang pagbuo ng isang lupon na mag-aaral sa mga bagay na ito.
Paliwanag ni Atienza, bubuuin ang special commission ng mga kilalang guro, historian at research experts.
Bukod sa pagtukoy sa pumatay kay Bonifacio aalamin din kung sino ang nagpapatay kay Heneral Antonio Luna at maging kay dating Senador Ninoy Aquino.
Ang hakbang ng kongresista ay kaugnay sa paggunita sa ika-152 kaarawan ni Andres Bonifacio kahapon.
Paniwala ni Atienza, dapat matukoy kung sino ang pumatay sa mga ito upang malaman ng bawat Pilipino ang katotohanan sa halip na puro haka-haka lamang ang mga detalye tungkol sa pagkamatay ni Bonifacio at ilan pang bayani.
Giit nito, panahon nang tapatin ang kasaysayan at ilantad ang mga taong responsable sa kanilang kamatayan dahil ito umano ang pinakamainam na pagkilala sa kabayanihan ng past and present-day heroes.