Taga-Bulacan, solo winner ng 6/42 lotto

MANILA, Philippines – Instant millionaire at solong napanalunan ng taga-Bulacan ang P6.7 milyong jackpot prize ng 6/42 Lotto draw noong Sabado ng gabi.

Kinumpirma ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Jose Ferdinand Roxas II na nag-iisa lamang ang nakatanggap ng milyong premyo ng lotto draw sa winning combination na 39-19-21-15-07-22.

Samantala, 26 winning bettors ang maghahati-hati sa P23,940 bilang second prize.

Kung maaalala, noong nakaraang buwan ay na­ging instant millionaire din ang taga-Malaybalay City sa Bukidnon nang masungkit nito ang premyo na P277.9 milyon sa Ultra Lotto pot.

 

Show comments