^

Bansa

2 fighter jets ng PAF dumating na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

CLARK AIR BASE, PAMPANGA, Philippines – Matapos ang 10 taon dumating na sa bansa ang dalawa sa 12 fighter jets na binili ng administrasyon ni PNoy para palakasin pa ang kapabilidad ng Philippine Air Force (PAF) sa pagbabantay sa himpapawid ng bansa.

Sa simpleng seremonya sa Haribon Hangar ng Clark Air Base, pormal na sinalubong nina Defense Secretary Voltaire Gazmin, AFP Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri, Lt. Gen. Jeffrey Delgado, iba pang mga opisyal ng militar at mga kinatawan ng Korean Aerospace Inc. (KAI) ang dalawang jet fighters.

“We’re glad, we’re finally back to supersonic age,” masayang pahayag ni Gazmin.

Ayon kay PAF Spokesman Col. Enrico Canaya, malaki ang maitutulong ng squadron ng 12FA 50 Golden Eagle jet fighters na binili sa KAI sa hala­gang P18.9 bilyon.

Ang nasabing mga jet fighters ay ide-deliver sa bansa ng ilang batch kung saan may darating pa sa 2016 hanggang 2017.

Noong 2005 ay ipinatigil at pinagretiro na ng PAF ang fighter jet nitong Northrop F5’s  dahil sa sobrang kalumaan.

Ayon kay Canaya, ang nasabing 2 seater fighter jets ay pinalipad ng mga pilotong Koreano mula sa South Korea kung saan nag-stop over lamang ito sa Taiwan para mag-refuel at magpahinga ang mga piloto bago tumuloy sa Clark Air Base.

Kaugnay nito, sasailalim sa masusing inspeksyon ang mga fighter jets bago ito iturnover sa PAF.

Bago ito ay ipinadala nila sa South Korea ang mga piloto ng PAF para magsanay sa pagpa­palipad ng bagong FA 50 fighter jets.

Ikinumpara naman ni  Lt. Col Rolando Condrad Peña III ang fighter jet sa sports car na Ferrari.

“This is really like a Ferrari because it is a fly-by-wire aircraft and its four to 4.5 generation type of aircraft,” ani Peña na nakatalaga sa Air Force’s Air Defense Wing.

ACIRC

AIR DEFENSE WING

AIR FORCE

ANG

ATILDE

AYON

CHIEF OF STAFF GEN

CLARK AIR BASE

COL ROLANDO CONDRAD PE

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

SOUTH KOREA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with