MANILA, Philippines — Matapos ang ilang buwang pagtanggi, naghain na ng kaniyang certificate of candidacy (COC) para sa pagkapangulo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ngayong Biyernes.
Ang executive assistant ng alkalde na si Bong Go ang naghain ng COC sa Commission on Elections (Comelec), habang si Duterte mismo ang nag-atras ng kaniyang COC sa pagkaalkalde ng lungsod ng Davao.
Tatakbo si Duterte sa ilalim ng PDP-Laban party bilang substitute candidate ni Martin Diño, na iniatras ang pagtakbo noong Oktubre 29 para sa Davao City mayor.
BASAHIN: Poe minaliit ang pangunguna ni Duterte sa survey
Nakasaad sa Section 19 ng Comelec Resolution 9984, na ang isang substitute ng kandidato ay kasama niya dapat sa partido.
Filed via representative. FYI pic.twitter.com/8AMJhTNZtC
— James Jimenez (@jabjimenez) November 27, 2015
Samantala, naghain na rin si Sarah Duterte ng COC niya sa pagkaalaklde sa Davao, kapalit ng kaniyang ama.
Makakasamang tumakbo ni Rodigo Duterte si Sen. Alan Peter Cayetano bilang kaniyang running mate.
BASAHIN: Duterte nanguna sa Pulse Asia survey