MANILA, Philippines – Dedma ang Palasyo sa pagkakulelat ng pambato ng administrasyong Aquino sa 2016 Presidential elections sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Lumabas sa survey na nangunguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha ng 34%; ikalawa si Sen. Grace Poe na may 26%; ikatlo si Vice-President Jojo Binay, 21% at 11% si dating Sec. Mar Roxas.
Isinagawa ang survey sa National Capital Region simula November 11-15, 2015.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Edwin Lacierda, hindi pa niya nakikita ang resulta ng Pulse Asia at kung official ba ang lumabas na survey.
Nauna rito, sinabi ni Lacierda na nakatutok ang mga kandidato ng administrasyon sa mga plataporma at hindi sa personalidad o popularidad.