Lower income tax bill isinuko na

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., kapos na sa panahon ang kasalukuyang Kongreso para pagtibayin ang panukala. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Tuluyan nang isinuko ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang panukalang pagbaba sa income tax rate.

Paliwanag ni Belmonte, kapos na sa panahon ang kasalukuyang Kongreso para pagtibayin ang panukala.

Bukod dito, mahirap anyang isulong ang Lower Income Tax Rate Bill, maliban na lamang kung isang daang porsyentong susuportahan ito ni Pa­ngulong Aquino.

Dahil dito kaya mas makabubuti umano kung ipauubaya na lamang sa 17th Congress ang kapalaran ng naturang panukala.

Sa ngayon, sinabi ni Belmonte na itutuon na lamang ng Kamara ang atensyon sa iba pang mga nakabinbin at mahahalagang panukalang batas.

Sa Kamara, ang author ng Lower Income Tax Rate bill ay si Marikina Rep. Miro Quimbo, habang si Sen. Sonny Angara sa Senado.

Subalit sa kabila ng masigasig na pagsusulong nina Quimbo at Angara sa panukala, ayaw pa rin ni PNoy sa tinagurian niyang “pogi bill.” 

Show comments