SC pinalawig ng 90 days ang status quo order sa kaso ni GMA

Muling pinalawig ng Korte Suprema ng 90 araw ang pinalabas na status quo ante order sa kasong plunder ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na dinidinig sa Sandiganbayan na tatagal nang hanggang February 16, 2016. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Hindi pa maaaring magsagawa ng anumang pagdinig laban sa mga kasong kinakaharap ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito’y matapos muling palawigin ng Korte Suprema ng 90 araw ang pinalabas na status quo ante order sa kasong plunder ni Arroyo na dinidinig sa Sandiganbayan na tatagal nang hanggang February 16, 2016.

Oktubre 2014 nang umapela sa SC ang kampo ni Arroyo na pinaboran ng mga mahistrado sa pamamagitan ng pagpapalabas ng 30 day status quo ante order.

Ang nasabing kautusan ay napaso noong November 21 kaya muling pinalawig ng SC hanggang sa susunod na taon.

Show comments