Death penalty dapat sa international drug syndicates

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, panahon na para higpitan ang batas sa mga banyagang nagpapasok ng droga gaya ng cocaine, heroin at shabu kaya nararapat lamang ang mas mabigat na parusa sa kanila. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Itinutulak ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang parusang kamatayan sa lahat ng international drug syndicate na mahuhulihan ng illegal drugs sa bansa.

Ayon kay Rodriguez, panahon na para higpitan ang batas sa mga banyagang nagpapasok ng droga gaya ng cocaine, heroin at shabu kaya nararapat lamang ang mas mabigat na parusa sa kanila.

“Sa ibang bansa kapag nahulihan ang nagpasok ng droga sa kanilang lugar tiyak ang parusa ay kamatayan kaya ito rin ang dapat sa mga miyembo ng international drug syndicate,” sabi ni Rodriguez.

Halos lahat ng nangyayaring karumal-dumal na krimen, ang mga suspek dito ay mga nasa ilalim ng impluwensiya ng pinagbabawal na gamot.

Show comments