Bagyong Marilyn napanatili ang lakas
MANILA, Philippines – Napanatili ng bagyong Marilyn ang kanyang lakas habang kumikilos pakanluran hilagang kanluran.
Alas-11 ng umaga kahapon, si Marilyn ay namataan ng PAGASA sa layong 1,040 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 kilometro bawat oras at may pagbugso na 210 kph.
Si Marilyn ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Ngayong Martes ng gabi si Marilyn ay inaasahang nasa layong 1,010 kilometro ng silangan ng Aparri, Cagayan at sa Miyerkules ng gabi ay inaasahang nasa layong 1,145 kilometro silangan ng Basco, Batanes at sa Huwebes ng gabi ay nasa layong 1,590 kilometro silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes o nasa labas na ng Philippine area of responsibility.
Si Marilyn ay magdadala ng mga pag uulan na magiging katamtaman hanggang sa malakas na may 550 km diameter.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga mangingisda sa Northern Luzon, Luzon at Visayas na huwag munang maglalayag sa karagatan dahil sa malalaking alon.
- Latest