MANILA, Philippines – Lumagda ang mga world leaders ng isang deklarasyon para bumuo ng “ASEAN community” na naglalayong mapalakas pa ang kalakalan sa rehiyon.
Ginawa ng 10 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang paglagda ng deklarasyon sa Kuala Lumpur, Malaysia kasabay ng ginanap na summit na dinaluhan din ni Pangulong Aquino.
Nakapaloob sa ASEAN community ang political, security at socio-cultural dimension.
Layunin ng deklarasyon ang pagtatag ng “truly rules-based, people-oriented, people-centered ASEAN Community where our peoples continue to participate in and benefit fully from the on-going process of ASEAN integration and community building.”
Isinusulong din nito ang “continued commitment to the on-going process of ASEAN community building, including an ASEAN Community’s post-2015 vision, guided by the purposes and principles of the ASEAN Charter.”
Kabilang din sa nilagdaan ang deklarasyon para sa “ASEAN 2025: Forging Ahead Together,” na magsisilbing roadmap ng organisasyon.