^

Bansa

Fish kill uli sa Manila Bay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Namayagpag ang mga maliliit na mangingisda sa Manila Bay sa Ro­xas Boulevard, partikular ang kahabaan malapit sa breakwater at paligid ng Manila Yacht Club, sa Malate.

Ito ay dahil sa umaga pa lamang nang magsilutangan ang iba’t-ibang uri ng isda na karamihan ay isdang “Banak” kaya hindi na nahirapan ang mga nangingisda sa lugar.

Ilan sa kanila ay  may mga dala-dalang net na halos humigit kumulang sa 5 kilo ang nakuha at patuloy pa sa pagsilo sa mga lumulutang na isda.

Mistulang hilong-hilo umano ang mga isda bago ito nakitang patay na lumulutang.

Pinaniniwalaang tulad ng mga nakaraang insidente, na mas mababa ang oxygen level sa bahaging iyon  o may oxygen depletion kaya hindi sapat para sila ay mabuhay.

Nabatid na noong Peb­rero 16 nang magsiluta­ngan din ang mga isda  na nabanggit ding bahagi ng Manila Bay, na may duda ang mga awtoridad na posibleng dulot ito ng pollution sa tubig na ang sanhi ay ang stagnant waters na humalo sa fresh sea water.

Nabatid na ang paligid ng Manila Yacht Club ay may maraming fish fence na pinaghahanguan ng mga alagang isda.

Inaasahang muli itong iimbestigahan ng Bureau of Fish and Aquatic Resources (BFAR) para matukoy ang dahilan ng fish kill.

ACIRC

ANG

BUREAU OF FISH AND AQUATIC RESOURCES

ILAN

INAASAHANG

ITO

MANILA BAY

MANILA YACHT CLUB

MGA

MISTULANG

NABATID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with