PNoy nasa Malaysia para sa ASEAN Summit

APEC Philippines/Released

MANILA, Philippines – Nasa Malaysia na si Pangulong Aquino upang dumalo sa ASEAN Summit kasama ang kanyang delegasyon.

Umalis bandang alas-12:00 ng tanghali ang Pangulo patungong Kuala Lumpur.

Kasunod namang lumipad ang Air Force One ni US Pres. Barack Obama upang dumalo rin sa ASEAN.

Sa nasabing meeting, makakaharap ng Pangulo ang siyam sa 10 miyembro ng Southeast Asian nations para talakayin ang mga regional concerns.

Kabilang sa inaasahang agenda ay ang tensyon sa West Philippine Sea.

Taliwas sa APEC na ekonomiya lamang ang agenda, sa ASEAN ay maaaring matalakay ang mga usaping pangseguridad at pang-ekonomiya ng rehiyon.

Babalik din sa Linggo ang delegasyon ni Pa­ngulong Aquino subalit muli itong aalis ng bansa sa Nov. 27 upang dumalo naman sa Climate Change conference sa Conference of Parties (COP21) na gaganapin sa Paris, France.

Show comments