MANILA, Philippines – Inaasahang lalong pagtutuunan ng pansin ang Albay sa mundo ng travel and tourism matapos ilarawan ni Albay Gov. Joey Salceda and kanilang lalawigan bilang tunay na pangunahing tourist destination nang tanggapin niya sa 2015 Pacific Asia Travel Association (PATA) CEO Challenge’s Top Destination Award meeting nito sa London kamakailan.
Bilang tugon sa kasiya-siya niyang talumpati, binati si Salceda at tiniyak ng mga higanteng travel and tourism players mula sa iba’t ibang bansa na isasama nila ang Albay sa kani-kanilang mga listahan ng mga priority destinations.
Ang isang maliwanag na pahiwatig ng pagdagsa ng mga banyagang turista sa Albay ay ang biglang paglobo ng registration attendance sa 2015 PATA New Frontiers Forum na ihu-host ng Albay sa Nobyembre 25-27. Mula sa naunang 191 rehistradong dadalo, biglang domoble ang bilang nito matapos ang London event at inaasahang hihigit pa sa 600.
Sa kanyanga talumpati sa PATA advocacy dinner sa London na dinaluhan ng 151 travel and tourism CEOs mula sa Asia Pacific, binigyang diin ni Salceda ang kabigha-big-haning mga atraksyon ng Albay na siyang dahilan kung bakit ito napili ng PATA para sa maiden edition ng parangal nito. Layunin ng naturang pagtitipon sa London ang lalong pag-ibayuhin at masustinahan ang tourism development para sa mga bagong destinasyon.